Dahil halos isang buwan na lang at birthday ko na ito ang aking mga wishes:
Books and Notebook:
1. Moleskine City Notebook Shanghai Edition - Hindi ko pa alam kung meron na nito pero gusto ko nito.
2. Alan Lightman's “Einstein's Dreams” (Forever na yatang nasa wishlist ko ito. Hirap kasi hanapin eh.)
3. William Young's “The Shack” Two friends have recommended this book to me so I'm quite intrigued with this book.
4. The 18th Banner: Blue Eagles' UAAP Season 71 Journey (Meron nito sa Ateneo Alumni Association office sa Bellarmine Hall first floor.
DVD:
5. How I Met Your Mother DVDs (except Season 1 kasi meron na ako nito)
6. Glee Season 1 (kahit incomplete at dinownload lang. Haha!)
- Desperate Housewives Season 6 Complete Edition
Gadgets:
8. iPod Touch (then iinstallan ko ng Chinese Dictionary)
9. Hard Drive
Trips:
10. Isang trip abroad with my family sige kahit early next year na.
11. Isa pa ulit na international trip this year bukod sa China gusto ko maexperience ang Autumn.
12. Isang local trip sa isang undisclosed na lugar. Haha
At iba pa tulad ng...
13. Isang sans rival cake made in Shanghai (Age, ngayon pa lang sinasabi ko na. Haha! Para naman hindi kayo clueless kung ano ang dapat i-surprise sa akin since uso naman sa Yin Yang Pandas ang surprises tuwing birthday. Haha)
14. Ma-maximize ko ang stay ko sa China – studies, cultural immersion, travel sa nearby places, at bonding time with Yin Yang Pandas.
15. Maging masaya ang napipintong magkasunod na pagbisita ng aking college friends na sina JP, Prince, Chelly+Icy kasama si Karla gayundin sina Mom and Dad sa May.
16. Good health for my parents. Iyan ang pinakahiling-hiling ko talaga.
17. Dumating na ang "blessings" na hinihintay ko nang sa gayon ay...
18. ...ma-implement ko nang maayos ang I-CARE project para sa GBF-China Scholarship Program pagbalik ko ng Pinas.
19. Isang klarong direksiyon after ng stay ko sa China – ano nga ba ang gagawin ko after ng lahat ng ito? Haha! 2013 ba 0 2016? Bataan o Katipunan? Haaay.
At siyempre ang mga walang kabayarang regalo:
20. Masaya, mapayapa, memorable, full of surprises na March 7, 2010 sa Shanghai with me, myself and I. At siyempre ang mga batchmates ko sa program. First time ko itong mag-celebrate ng birthday abroad kaya special 'to.
21. Isang mapayapa, malinis, at credible na Halalan sa Mayo 10, 2010. Sana manalo ang mga kandidatong nararapat sa puwesto at hindi dinadaan lamang sa pera. Ang nangyayari kasi eh “pera pera na lang”. Paramihan ng ads pero hindi sinasagot ang mga isyung dapat sagutin. Oh well.
22. At sana yung papalit kay PGMA ay magiging mahusay at matapat na pinuno ng bansa. Tulad ng sinabi ko last year, I am not hoping for a messiah as a President ngayong 2010 sapagkat ang pamamahala ng isang bansa ay pinagtutulung-tulungan at hindi inaasa sa kung sino ang Pangulo.
Pero sana yung papalit kay PGMA eh yung hihilumin ang sugat at pagkakahati-hati ng Pilipinas na mula pa noong 2001 at maglalatag ng pundasyon para sa ganap na pagbabago sa 2016.
23. Sana ang manalong Pangulo ay yaong pinakamalayong makipag-alyansa kay PGMA. Nakakatakot ang pagbabalik ng Pandak sa Kamara. Nakakatakot dahil maari niyang isulong ang Cha-Cha. Haaay.
24. Sana hindi lamang puro SANA ang mga kahilingan kong ito, lalo na itong huling tatlo.