Thursday, December 31, 2009

An Wen's Status (Yearend Blog): July to August 2009

July

1: Met up with Mel, college blockmate, at Coffee Bean and Tea Leaf Cubao. Usapang career ito. Inabot yata kami hanggang 11:00. Ito rin ang first day ko sa new position ko.

2: Pasig Day kaya holiday sa Ortigas. I met up with one of my college mentors, Mam Chay Hofilena, sa ELJ building. Naglunch kami sa Gram’s Diner. Nagbigay din siya ng advice tungkol sa aking decision na gagawin regarding scholarship and promotion.

4: My friend Prince got his “most awaited” reply. And it turned out, it’s negative. :-( Dito ako unang nabigo sa aking matchmaking job. Oh well. Hehe

5: Nagmass kami ng family ko sa Gesu then I treated them to a lunch at Craving’s Katipunan because of the blessings I received: promotion and scholarship



6: Nagpass na ako ng immediate resignation sa office because the program is about to start in two weeks. Then, nagpass na rin ako ng signed contract sa GBF.

11: Watched “Transformers” with Karla and dinner at Wild Ginger at Power Plant


UAAP Season 72 opening din ito.

12: First game ng Blue Eagles sa Season 72: Ateneo vs. FEU Round 1: 63-59

15: Despedida Dinner of fellow Matanglawin Edboard Ady kasi mag-aaral na siya sa Australia. Apat lang kami (Pol, Ady and Charm) na nagdinner sa New Orleans sa Boni High.



16: Ateneo vs. UE. Ateneo won! Ito yung unang game na napanood ko ng live this season. Thanks Hanes! Dito nagsimula ang serye ng panonood ko ng UAAP games ng Ateneo dahil sa Hanes Cool Couple of the Game!


17: Last Day ko sa Avellana pero over lunch, JBA offered me a part-time position and I said “Yes!”

19: Watched Round 1 of ADMU vs. UST game at ULTRA with my sister.


20: Start of the GBF-CSP program. Orientation kami for the next three days. Ito ang araw na magbabago ng 2009 ko.



24: Nag-inuman kami ng higschool guy friends ko (Jerome, Richard, Carlo and Jayson) sa Ortigas.

25: Debut ng aking second cousin na si Carylle so nagpunta kami kasama ang mga mother side relatives ko sa Nueva Ecija.


Dito rin namin nakuha ang binili ni Mommy kay Daddy na Mitsubishi Strada. Tinawag naming siyang Bumblebee.

26: Ateneo’s only loss during the eliminations: ADMU 58 vs. UP 68

27: Ikasiyam na SONA ni President Gloria Macapagal-Arroyo. As usual, nagpasalamat siya sa mga taong sumusuporta sa kanya at nagparinig sa kanyang mga kritiko.

29: GBF Appreciation Dinner with Mr. John Gokongwei, Jr. Ipinakilala na kami sa aming benefactor kasama ang scholarship committee. Nakita ko pa si Fr. Nebres sa dinner so ang bati ko sa kanya ay “Father, babawi tayo tomorrow diba (referring to Ateneo’s loss to UP)?”



30: Kinabukasan…Ateneo vs Adamson (61-51). And yes, nakabawi!

Ito rin ang araw (Mla. time) ng pagkikita nina Obama at PGMA sa Washington.

31: First Night-out with fellow scholars at Metrowalk. Dinner then videoke at Ortigas Home Depot. 1:00 A.M. na yata ako nakauwi nito.


August

1: Tanghali na ako nagising nito. Nagulat na lamang ako sa text ni Prince: “Wala na si Cory.” At nagulat daw siya kasi hindi ko alam eh usually ako ang nagbabalita ng mga news sa mga tao through text.

At 3: 18 A.M., pumanaw na ang icon of democracy si Corazon Cojuangco Aquino.

Nagpunta ako sa ADMU vs. NU game sa Araneta para sa work ko. Ateneo Blue Eagles won sa score na 75-47! At may black ribbon na suot ang Ateneo players para kay Cory.

Bago ang game, gumawa pa ako ng tribute blog ko para kay Cory: http://solitarymoments.multiply.com/journal/item/153/Paalam_Tita_Cory_Jeds_tribute

Kinagabihan, pinanood ko ang misa sa pamumuno ng noo’y Balanga Bishop Soc Villegas at ni Antipolo Auxiliary Bishop Ernesto Francisco sa La Salle Greenhills kung saan naroon ang labi ng dating pangulo.

3: Tinahak ng funeral cortege ni Cory ang kahabaan ng EDSA papuntang Manila Cathedral kung saan mananatili ang kanyang mga labi bago ang funeral sa August 5. Nagbagsakan ang yellow confetti sa EDSA lalo na sa panulukan ng Ayala at Paseo de Roxas tila isang reenactment ng mga rally sa Makati na pinamunuan ni Cory noong mamatay si Ninoy.



4: Pinanood ko ang necrological rites para kay Cory. Isa sa mga nagsalita ay ang paborito kong kolumnista na si Conrado de Quiros. Gusto ko yung eulogy ni Conrado lalo na ang huling linya niya: “Cory is, pardon my French, one damn good person!”
5: Idineklarang holiday ito dahil araw ng libing ni Cory. Maaga akong gumising para manood ng Requiem Mass sa pamumuno ni Bishop Soc Villegas at ng heswitang si Fr. Tito Arevalo. Inabot ang libing hanggang gabi bago naisara ang nitso ni Cory.

6: Ipinanganak ang aking pamangkin sa pinsan kong si Charm, si Zoey Brielle. Siya rin ang unang inaanak ko na girl. I love her nickname: Bree. Paborito ko kasi si Bree sa Desperate Housewives. Bree ha hindi Bri. Hehe



7: Badminton Day with GBF Tongxuemen pero dahil may work ako humabol na lang ako sa dinner sa Mr. Choi.

9: ADMU vs. DLSU Round 1, 76-72, OT. Isa ito sa mga magagandang game ng season. Exciting tapos nakayellow ang crowd. Isinantabi muna ang green at blue bilang tribute kay Cory.

13: Round 2 ng UE vs. ADMU. Muntik ng makahabol ang UE pero panalo pa rin ang ADMU sa score na 80-75.

15: Dumating ang isa sa Korean na nakasama namin nila Aby sa Korea noong February, si Hyeonji. Nagbowling kami nila Aby kasama siya sa Eastwood.



At nagparamdam na rin si Prince (na noo'y missing in action) sa amin ni Chelly sa YM. Dito rin niya sinabi na nagkaroon siya ng “rebirth” of faith.

16: Pagkatapos kong magmass sa Gesu dumiretso na ako sa Araneta Coliseum para magwork/manood ng ADMU vs. DLSU Round II. Kasama ko nanood sina Aby, Anj (Aby’s friend), Arthur (Aby’s brother), Hyeonji, ang mga sisters ko at ang nephew kong si Yuan at si Karla. Inihatid na rin namin si Hyeonji sa NAIA Terminal II after mag dinner.

Ito na rin ang huling ADMU vs. DLSU game for Season 73 dahil hindi nakapasok ang DLSU sa Final Four. Ateneo won ulit, 81-65.

17: Sinimulan ko ulit basahin ang “The Return of the Prodigal Son” ni Henri Nouwen. Isa ito sa paboritong reading ko sa Theo 141.

18: Ang unang birthday blowout sa batch. Tiff V.’s birthday blowout to the Yin Yang Pandas.

21: Ninoy Aquino Day kaya holiday. Nanood kami ni Karla sa Podium ng “Time Traveller’s Wife” at nagdinner after.

22: Dinner at Oliver’s sa Boni High with my family kasi first time na napunta ng Manila si Bumblebee.
23: ADMU vs. UST Round 2. I watched with fellow Mata Edboard Charm, JP and Pol. Ateneo won 80-70! Ito ang big game ni Kirk Long. Nagdinner kami sa Taco Bell after.



24: I cut class. Pero nagpunta akong POEA para magregister for Absentee Voting for the 2010 elections. Ikinampanya ko rin ito sa aking fellow scholars at in fairness marami naman ang nagregister. Nagpunta rin ako sa “Meron Philosopher: Padre Roque Ferriols” talk ni Doc Leo Garcia sa Ateneo.

25: Dumpling making with the laoshimen.



26: Dito nagsimula ang lahat. *wink wink* At ang tambalang ito ay naka-ugat sa "nation-building". Diba, Sigh? Haha

27: Ateneo vs. NU Round 2. Ito ang “game” ni Ryan Buenafe. 75-54, Ateneo.

Sa araw din na ito, pumanaw si Senator Edward Kennedy

28: Language Partner Activity kami sa GBF at walang regular classes. After the activity, nagpunta kaming 14 out of the 40 scholars sa Bosay Resort sa Antipolo for an overnight outing.


29: Tulog lang ako buong araw dahil wala kaming tulugan sa Bosay. Naglaro lang kami ng Pinoy Henyo, naglaro ng mind games, at nagkuwentuhan kaya kami napuyat.

30: First time ko mapunta sa The Arena sa San Juan upang manood ng Ateneo vs. Adamson. 52-61 in favor of Ateneo. One year na rin ako sa Facebook nito.

31: Gown fitting nila Mommy, Ate at Khrisy sa cotourier ni Ate for her wedding. Then nagdinner kami sa Shakey’s Katipunan after.

Sa araw din na ito, pumanaw si Ka Erdie Manalo ng Iglesia ni Cristo.

Ang 2010 ay puno ng kontrobersiya at mga isyung bumalot sa bansa. Nasundan ko ito dahil sa araw-araw kong pagkakan baozhi (pagbabasa ng newspapers) tulad ng Philippine Daily Inquirer at Philippine Star.

Ilan lamang dito ay ang mga sumusunod:

Maguindanao Massacre, Martial Law sa Maguindanao, pagkakaroon ng recall kay Grace Padaca sa Isabela ayon sa desisyon ng Comelec, ang diskwalipikasyon sa Ang Ladlad sa party-list race, ang expensive dinner ni PGMA at ng kanyang junket sa New York, ang mga tagong yaman ng mga Arroyo lalo na ni Mikey, ang pagkatakbo ni PGMA bilang kongresista ng Pampanga, ang sex video scandal ni Hayden Kho, ang AH1N1 epidemic, ang Copenhagen climate change talk, ang C-5 road controversy kay Manny Villar, ang di matapos-tapos na usapin tungkol sa Cha-Cha, ang Greenbelt 5 robbery, ang mga trahedya dulot ng mga lumubog na bangka noong Mayo sa Puerto Galera, ang dalawang huling lumubog na bangka nitong Disyembre, ang pinsalang dulot ng bagyong Ondoy at Pepeng, ang napipintong pagputok ng Bulkang Mayon, kontrobersiya dulot ng pagkakapili ng mga National Artists na sina Cecile Guidote-Alvarez at Carlo J. Caparas.


Tuesday, December 29, 2009

Status 2009: An Wen's Yearend Blog (April-June)

April

1: First day sa Hawaii. Napunta kaming Napili Market at namasyal sa Ritz Carlton.


2: Walk around Lahaina and shopped at Kaanapali's Whaler’s Village



3: Kapalua Beach Day and Luau at Kaanapali



4: Flight to New Jersey at 7:50 P.M.


5: Arrived at Newark Liberty Airport at 11:00 A.M., After namin magbuffet kasama sina Charm at Simon at ang parents ni Simon na si Tita Lorie at Tito Trufi ay dinala nila kami sa New York. Sobrang saya ko ng araw na ito. Finally! El Viajero sets foot in NYC!

6: Atlantic City (New Jersey’s very own Vegas) after namin kumain sa Hometown Buffet.


7: Depart for Chicago at 7:02 P.M.



9: Downtown Chicago tour: Sears Tower, Art Institute of Chicago, Millennium Park, etc.

10: Good Friday at Holy Hill, Wisconsin. Para lang itong Calereuega pero siyempre mas malamig. Good luck sa pag-Station of the Cross sa tuktok ng burol. Sobrang giniginaw kami!


12: Easter Sunday – arrived at San Diego at 7:53 P.M.



14: Disneyland Day

15: Universal Studios Day, sobrang saya sa The Simpsons Ride!

April 15 Declaration ni Prince. Oi Prince, natatandaan mo pa ba ito?

16: Watched "Fast and Furious" with cousins

17: Seaworld San Diego. Nagkita na naman kami ni Shamu, ang sikat na dolphin sa Seaworld! Haha

19: Farewell Episode of Edie Britt (Nicollette Sheridan) sa Desperate Housewives. Isa sa faveorite episode ko ng DH.

Napanood ko ito ng “real time” at hindi delayed airing kasi sa Studio 23 inaabot ng ilang lingo o minsan buwan bago maipalabas ang isang episode ng DH. Sobrang delayed!

20: Nagpunta kaming Las Vegas from San Diego, long drive lang kami.


21: Breakfast at Excalibur with Aby, ang isa sa mga nakasama ko sa Korea. Nandoon din siya sa LV noong time na ito kaya nagmeet kami.

22: Last-minute shopping. Bought a pair of Aldo shoes! Weeeh!

23: 10:00 A.M. Flight to Hawaii
1: 45 P.M. Flight to Guam


24: Flight to Manila at 7:00 P.M. Back to Reality na ulit!

25: Jet Lag Day! Kasabay nito ay ang engagement sa Wowowee nina Mar at Korina. Lalo akong nagkaroon ng jetlag sa napanood ko. Haha

28: Nagimbal ang showbiz world dahil sa Judy Ann and Ryan’s “Secret” Wedding sa San Juan, Batangas

30: Huling kitaan with college friends Chelly and Prince na kaming tatlo lang sa Eastwood kasi after nito eh sa bonfire na tapos hindi pa ulit nauulit this year. Dinner at Pancake House then dessert at Dairy Queen.


Noong mga huling araw ng Abril din pumutok ang AH1N1 epidemic.


May

1: First Friday Mass with Karla and my sisters

2: Our highschool friends met with Sir Gomer, our teacher in grade school na naging kabarkada na namin . 2005 pa namin siya huling nakasama dahil nagmigrate na siya sa Tennessee. After four years, nakauwi na rin siya sa Pinas.

3: Pacquiao-Hatton fight kung saan wagi si Pacman

4: Monthsary namin ni Karla at binati niya ako sa pamamagitan ng pagtawag sa office at pagpapanggap na siya ay from Ateneo Alumni Office

6: Tumawag si Ms. Lira mula sa GBF at sinabi niyang isa ako sa mga na shortlisted sa GBF kaya tinawagan niya ako for phone interview.

9: Double Date Dinner at Mr. Kurosawa with Jett (Karla’s bestfriend) and Aldo (Jett’s boyfriend)

14: I booked Chelly’s flight to Thailand dahil from May 13-15 ay Cebu Pacific Happy Hour Seat Sale. Igagrab sana namin ito ni Karla dahil sayang pero hindi kami natuloy. Kaya dito ko nasabi na ngayon alam ko na ang pakiramdam ng travel agent. Ikaw ang nagbubook ng flight pero ang sad part eh hindi ka kasama.

15: Dinner at John and Yoko with siblings and my cousins Ate Kaye and Paul.


16: Angels and Demons Movie Date with Ate and Khrisy.

21: Nasnatchan ng bag ang aking kaibigan na si Chelly. Nawala ang kanyang iPod video at Nokia E63.

25: Tinawagan ako ng GBF para sa isang panel interview scheduled on May 28 at 10:00 A.M.

28: Pumunta ako sa panel interview ng GBF. Naalala ko pa na sina Prim, Carlo at Sol ang mga nakasabay ko noon sa interview. Makakasama ko sila sa China sa February.

29: Lunch with Lesley, ang isa sa aking highschool friend, na katapat ko lang ng building sa Ortigas.

30-31: Puerto Galera Escapade with GMA friends: Aubrey, Lilet and Loel, Ross and Boggs. Kasama rin namin dito si Karla.

June:


4: 2 years na kami ni Karla! Pinuntahan ko siya sa bahay nila. Nagbigayan ng aming anniversary gifts.

5: I went home to Bataan dahil birthday celebration ng aking maternal grand uncle na si Daddy Lo.

9: Karla’s 21st Birthday Celebration. Nagkaroon siya ng simple birthday dinner sa bahay nila kaya dumiretso ako sa kanila after office.

10: Chelly’s 24th Birthday Celebration at Cravings pero hindi kami nakapunta nina Prince at JP.

12: Second Year Anniversary Celebration with Karla at La Mesa Ecopark. Ipinagluto niya ako ng Chicken Barbecue at ipinagluto ko naman siya ng Creamy Penne Pasta.

13: Khrisy’s Advanced Birthday Celebration at Pepper Lunch, Rockwell

14: Ateneo’s Sesquicentennial Celebration from Intramuros to Loyola Heights.

20: Fathers’ Day Dinner with Family and cousins Ate Kaye and Paul at Greenbelt.

24: Early dismissal sa office dahil sa bagyong “Feria” na apparently ay mahina naman pala.

25: Pumanaw ang King of Pop na si Michael Jackson at ang Charlie’s Angels star na si Farrah Fawcett

26: I was promoted sa work. Nagdinner din ako with Matanglawin EB 06-07 at Secret Recipes, Shang. Nakita rin namin dito ang Guidon peeps kasama si Mam Chay.

27: Brunch with my college friend Chelly at Banapple after we heard mass at the Gesu
Treat ito sa akin ni Chelly kasi napromote ako

29: Tumawag ang GBF-China Scholarship Program Committee and they told me na natanggap ako sa program. Binigyan nila ako hanggang July 6 to confirm. (To be continued)


2009 is all about...travelocity!

Sa taong 2009, nabawasan ang aking trips sa local destinations. Kumpara noong mga nakaraang taon, Puerto Galera lang ang local destination na pinuntahan ko after ko mag-Boracay, Bohol, Palawan, Siargao, Subic, Batangas noong 2007 at 2008.

Ngunit ngayong 2009, nakatuntong ako sa Hawaii at New York ang aking dalawang lugar na nasa must-visit list ko. Nakapunta rin ako ng Guam, Wisconsin, Chicago, New Jersey at Las Vegas.

After two years, nakabalik rin ako sa California – ang aking unang U.S. state na pinuntahan noong 2007.

Ngayong 2009, nakarating din ako ng Seoul sa Korea at naranasan ang snow!

Tapos na ako sa Winter sa Korea at Summer sa Hawaii. Next, Spring naman sa Shanghai. Hmmm…Autumn in New York na ba in the future? O baka naman Autumn in Tokyo? :P


Monday, December 28, 2009

Status 2009: An Wen’s Yearend blog

Isang taon na naman ang nakalipas. Dalawang taon ko ng ginagawa ang year-end blog kung saan binabalikan ang mga ginawa ko sa mga araw ng 2009. Ito ang Status 2009: An Wen's Yearend blog chronicling January to March 2009.

January

16: Post-Christmas Dinner with ultimate college friends Prince and Chelly. Dinner at Pasto and Dessert at DQ after.

17: Surprised Karla with her favorites: Beef Stroganoff and Waldorf Salad

18: Watch “The Curious Case of Benjamin Button” with Mara, Prince and JP. Dinner at Super Bowl of China Gateway.


21: Barack Obama was sworn in as the 44th U.S. President. Sa isang napakaakmang petsa, noong araw din na ito na finalize nina Mommy at Daddy ang aming plans sa aming US vacation sa summer of 2009.

24: Meron akong metapisikang di-pagkakapalagay kasabay nito ay ipinost ko ang aking blog na: “Kung bakit ako umiyak sa bagong commercial ng McDo.”

26: At 3:56 P.M., official start na ng Year of the Ox.

February:

7: Church Tour with Karla. Iniisa-isa lang naman naming ang mga old churches sa Manila: Immaculate Concepcion Cathedral sa Lantana, Binondo Church, St. Jude Church, Quiapo Church, San Sebastian Church, Sta. Cruz Church, Our Lady of Loreto Church, San Antonio Church, at our Lady of Mt. Carmel Shrine.

9: At around 10:30 P.M., tumawag ang National Youth Commission Secretariat, natanggap daw ako as one of the six Filipino delegates sa Korea-ASEAN Youth Exchange Program.

10: Pinayagan ako ng aking boss para pumunta sa Korea at magleave sa work from February 19-26.

12: Swelday Food Trip Dinner with Avellana officemates at Curry Curry House, Megamall

13: Rubdob 2009: Isa kaming dalawa ni Karla sa mga hosts ng Rubdob. First time ko rin magparticipate sa Rubdob sa poetry reading. I read excerpts from Ricky Lee’s book: “Para kay B: O kun g paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin”.


14: Overtime ako nito dahil sa Mazda Zoom Fest pero kinagabihan nanood ako ng “Sinta” ni Onofre Pagsaghan kasama sina Prince, Vins, Mara at JP. Nagdinner din kami sa Shakey’s Katipunan after.


15: Shopping for winter clothes for Korea at Trinoma.

16: Karla gave me an advanced birthday gift dahil pupunta na ako sa Korea in two days: “Bulaklak sa City Jail”

18: At 11: 55 P.M., Aby, I, and Kuya Mel took an Asiana Airlines plane to Seoul.


19: Unang gabi sa Seoul. Unang gabi pa lamang ay nagkaroon na ng snow. Wo hen gaoxing!

20: Buong araw na talk kaya kinagabihan inexplore namin ang place at namili ng Korean noodles.

22: Lumipat na kami ng Hyundai Sungwoo Resort para iexperience ang skiing at sledding

23: Skiing lang kami buong araw! Ang saya lang! Kinagabihan, nagkaroon kami ng presentation per country at sinayaw namin ang "Ako ay Pilipino" at "Pinoy Ako"


24: ASEAN World Trade Game at Mini Olympics. Nanalo ang Team Pilipinas! Nagvideoke kami noong gabi.

25: Korean Village Tour kami then balik na kami sa Dreamtel Resort para sa closing ceremonies.

26: At exactly 12:00 NN, lumapag na sa NAIA ang aming plane pabalik ng Pilipinas. Tapos na ang isang linggo ng Winter in Korea ko. :-(

March

1: Shopping for U.S. Trip at Greenhills

6: Francis Magalona died at around 12:00 Noon. Inannounce raw ito sa Eat Bulaga

7: My 23rd Birthday. Sa araw rin ito natanggap ko ang email ng isang NYC Commissioner tungkol sa email invite ng Gokongwei-China Scholarship Program 2009. Ito ba ang birthday gift ni Lord sa akin?

Simple lang ang birthday ko. Walang handa kung hindi pa ako naconvince ng mga kapatid ko na bumili ng carbonara at cake sa Red Ribbon. Nagpunta si Karla sa bahay at ibinigay ang kanyang gift na scrapbook ng mga birthday messages ng mga friends ko sa akin. Hmmm…

Ito rin ang araw na itinuloy ang reunion concert ng Eraserheads sa MOA. Nagbigay sila ng tribute kay Francis M.

13: 23rd Birthday Dinner with ultimate college friends Prince and Chelly at Heaven ‘N Eggs then treat ko sila ng dessert sa Sugarhouse.

14: Matanglawin Baby – Cecilia Regina Pante’s Christening. Kasama kong pumunta rito sina dL, JP, Vins, Chelly, Prince at Karla.

20: Dinner at Sweet Inspirations with Aby and Joyce, fellow delegates sa Korea-ASEAN Youth Exchange Program 2009

22: Isang busy day for me dahil:

Una, umattend ako ng “Found by Love” A Lenten Recolletion with Bishop Chito Tagle sa umaga then after lunch nanood kami ni Karla ng “Sundo” sa Eastwood. Sa araw din na ito ako namili ng bagong camera, ang Canon IXUS 80.


23: Ipinasa ko sa Robinsons’ Tower ang aking application sa GBF-China Scholarship Program

Kasabay nito ay nakuha ko na rin ang memo ni JBA na pinapayagan niya akong magleave ng buong April para sa aking US vacation.

25: Isang dekada na ang nakalipas mula nang ako ay grumadweyt sa grade school. Noong March 25, 1999 ko natanggap ang aking diploma ng grade school education mula sa Tomas del Rosario College.

27: Dumating ang aking Daddy mula sa Russia para sa aming US vacation. Ilang araw bago ako tumulak patungong U.S., inilunsad ko ang Season 3 ng El Viajero multiply site ko na pinamagatang “Ready JET Set Go!”

28: Kasal ng aking nakakatandang pinsan na si Kuya Von. Veil Sponsor ako rito pero pagkatapos ng kasal lumuwas ako papuntang Manila dahil graduation ni Karla sa Ateneo. Naipakilala ko rin siya sa aking boss na si JBA dahil graduation din ng daughter ni Sir Joey si Mariel.


31: Ang araw ng aking flight to Hawaii. At exactly 10:55 P.M. lumipad na kami papuntang Honolulu, Hawaii.

Dumating kami sa Honolulu ng 9.38 P.M., March 31.


2009 is full of…

Lessons/Challenges:

1. Sa taong 2009 ko naranasang pumili between sa isang promotion at sa isang scholarship program sa China na kung tutuusin eh maraming aspeto ng aking buhay ang mababago. Pagkatapos ng scholarship ay kailangan naming gumawa ng isang community project at hindi kami maaring umalis ng Pilipinas sa loob ng tatlong taon except for travel purposes.

Ngunit sabi ko nga sa aking official statement sa aking naging desisyon, tinanggap ko ang scholarship program dahil gusto kong itest kung hanggang saan ang kaya ko at inisip kong baka ito ang magturo sa akin sa aking career path.

Looking back, wala akong pagsisisi sa ginawa kong desisyon. My last five months in GBF has been one of the most exciting phases of my life.

2. Ngayong 2009 ko rin napag-isipan na gusto kong mapaglingkuran ang Bataan lalo na ang Balanga in the future. Kung 2013 man o 2016, hindi ko pa alam. Basta sigurado akong gusto kong ang makikinabang sa aking mga natutunan at napag-aralan ay ang aking mga kababayan sa Bataan.

3. Dito ko naranasang magpart-time sa work at mag-aral ng sabay at masasabi kong for the last five months nabago talaga nito ang buhay ko.

4. Sa taong ito natutunan kong kung may mawala sa iyo, may kapalit rin. Hindi ko na gaanong nakakasama ang aking mga highschool at college friends this year. Ako na lang ang natira sa mga batchmates ko sa Avellana ngunit sa pamamagitan ng GBF at ng Korea-ASEAN programs, nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan sa katauhan nina Aby at Joyce na nakasama ko sa Korea at sina Desi, Sigh, Age, Aiz, at ang Xiamen Class na mga kasama ko sa GBF.


5. Natutunan ko rin na hindi usapin ang distansiya at dalas ng pagkikita sa pagkakaibigan. Ang mahalaga, matagal man kayo huling nagkita, wala pa ring dapat nagbago. Salamat Prince at Chelly!

6. Oo, may mga bagay nga sigurong hindi na mauulit muli tulad ng pagkakabuo ng maramihang Matanglawin Tanders Reunion. Pero may mga tao pa ring kahit panaka-naka ay gagawa pa rin kayo ng paraan upang magkita-kita tulad ng ginagawa namin ng Mata Edboard 06-07.

7. Nakakatuwa sapagkat may katuwang ako sa mga bagay tulad ng mga pag-oorganize ng mga meet-ups kasama ang iba ko pang kaibigan sa katauhan ni JP. Sabi ko nga sa kanya, kung ako si Noynoy, siya (JP) ang aking Mar. Siya ang katuwang ko sa pag-oorganisa ng mga meet-ups.

8. May mga college friends ka na mas magiging kaclose mo pala sa panahong wala na kayo sa kolehiyo tulad nina Mel and Abi.

9. Sa taong din ito, first time na naospital ang aking Mommy dahil sa sakit sa puso. Dito ko napagtanto na tumatanda na nga ang aking parents kaya ipinangako ko sa aking sarili na I will take care of them sa kanilang pagtanda. I also realized na sa pagtanda ko mas lumalawak na at bumibigat na ang aking responsibilities.