1: Met up with Mel, college blockmate, at Coffee Bean and Tea Leaf Cubao. Usapang career ito. Inabot yata kami hanggang 11:00. Ito rin ang first day ko sa new position ko.
2: Pasig Day kaya holiday sa Ortigas. I met up with one of my college mentors, Mam Chay Hofilena, sa ELJ building. Naglunch kami sa Gram’s Diner. Nagbigay din siya ng advice tungkol sa aking decision na gagawin regarding scholarship and promotion.
4: My friend Prince got his “most awaited” reply. And it turned out, it’s negative. :-( Dito ako unang nabigo sa aking matchmaking job. Oh well. Hehe
5: Nagmass kami ng family ko sa Gesu then I treated them to a lunch at Craving’s Katipunan because of the blessings I received: promotion and scholarship
6: Nagpass na ako ng immediate resignation sa office because the program is about to start in two weeks. Then, nagpass na rin ako ng signed contract sa GBF.
11: Watched “Transformers” with Karla and dinner at Wild Ginger at Power Plant
UAAP Season 72 opening din ito.
12: First game ng Blue Eagles sa Season 72: Ateneo vs. FEU Round 1: 63-59
15: Despedida Dinner of fellow Matanglawin Edboard Ady kasi mag-aaral na siya sa Australia. Apat lang kami (Pol, Ady and Charm) na nagdinner sa New Orleans sa Boni High.
16: Ateneo vs. UE. Ateneo won! Ito yung unang game na napanood ko ng live this season. Thanks Hanes! Dito nagsimula ang serye ng panonood ko ng UAAP games ng Ateneo dahil sa Hanes Cool Couple of the Game!
17: Last Day ko sa Avellana pero over lunch, JBA offered me a part-time position and I said “Yes!”
19: Watched Round 1 of ADMU vs. UST game at ULTRA with my sister.
20: Start of the GBF-CSP program. Orientation kami for the next three days. Ito ang araw na magbabago ng 2009 ko.
24: Nag-inuman kami ng higschool guy friends ko (Jerome, Richard, Carlo and Jayson) sa Ortigas.
25: Debut ng aking second cousin na si Carylle so nagpunta kami kasama ang mga mother side relatives ko sa Nueva Ecija.
Dito rin namin nakuha ang binili ni Mommy kay Daddy na Mitsubishi Strada. Tinawag naming siyang Bumblebee.
26: Ateneo’s only loss during the eliminations: ADMU 58 vs. UP 68
27: Ikasiyam na SONA ni President Gloria Macapagal-Arroyo. As usual, nagpasalamat siya sa mga taong sumusuporta sa kanya at nagparinig sa kanyang mga kritiko.
29: GBF Appreciation Dinner with Mr. John Gokongwei, Jr. Ipinakilala na kami sa aming benefactor kasama ang scholarship committee. Nakita ko pa si Fr. Nebres sa dinner so ang bati ko sa kanya ay “Father, babawi tayo tomorrow diba (referring to Ateneo’s loss to UP)?”
30: Kinabukasan…Ateneo vs Adamson (61-51). And yes, nakabawi!
Ito rin ang araw (Mla. time) ng pagkikita nina Obama at PGMA sa Washington.
31: First Night-out with fellow scholars at Metrowalk. Dinner then videoke at Ortigas Home Depot. 1:00 A.M. na yata ako nakauwi nito.
August
1: Tanghali na ako nagising nito. Nagulat na lamang ako sa text ni Prince: “Wala na si Cory.” At nagulat daw siya kasi hindi ko alam eh usually ako ang nagbabalita ng mga news sa mga tao through text.
At 3: 18 A.M., pumanaw na ang icon of democracy si Corazon Cojuangco Aquino.
Nagpunta ako sa ADMU vs. NU game sa Araneta para sa work ko. Ateneo Blue Eagles won sa score na 75-47! At may black ribbon na suot ang Ateneo players para kay Cory.
Bago ang game, gumawa pa ako ng tribute blog ko para kay Cory: http://solitarymoments.multiply.com/journal/item/153/Paalam_Tita_Cory_Jeds_tribute
Kinagabihan, pinanood ko ang misa sa pamumuno ng noo’y Balanga Bishop Soc Villegas at ni Antipolo Auxiliary Bishop Ernesto Francisco sa La Salle Greenhills kung saan naroon ang labi ng dating pangulo.
3: Tinahak ng funeral cortege ni Cory ang kahabaan ng EDSA papuntang Manila Cathedral kung saan mananatili ang kanyang mga labi bago ang funeral sa August 5. Nagbagsakan ang yellow confetti sa EDSA lalo na sa panulukan ng Ayala at Paseo de Roxas tila isang reenactment ng mga rally sa Makati na pinamunuan ni Cory noong mamatay si Ninoy.
4: Pinanood ko ang necrological rites para kay Cory. Isa sa mga nagsalita ay ang paborito kong kolumnista na si Conrado de Quiros. Gusto ko yung eulogy ni Conrado lalo na ang huling linya niya: “Cory is, pardon my French, one damn good person!”
5: Idineklarang holiday ito dahil araw ng libing ni Cory. Maaga akong gumising para manood ng Requiem Mass sa pamumuno ni Bishop Soc Villegas at ng heswitang si Fr. Tito Arevalo. Inabot ang libing hanggang gabi bago naisara ang nitso ni Cory.
6: Ipinanganak ang aking pamangkin sa pinsan kong si Charm, si Zoey Brielle. Siya rin ang unang inaanak ko na girl. I love her nickname: Bree. Paborito ko kasi si Bree sa Desperate Housewives. Bree ha hindi Bri. Hehe
7: Badminton Day with GBF Tongxuemen pero dahil may work ako humabol na lang ako sa dinner sa Mr. Choi.
9: ADMU vs. DLSU Round 1, 76-72, OT. Isa ito sa mga magagandang game ng season. Exciting tapos nakayellow ang crowd. Isinantabi muna ang green at blue bilang tribute kay Cory.
13: Round 2 ng UE vs. ADMU. Muntik ng makahabol ang UE pero panalo pa rin ang ADMU sa score na 80-75.
15: Dumating ang isa sa Korean na nakasama namin nila Aby sa Korea noong February, si Hyeonji. Nagbowling kami nila Aby kasama siya sa Eastwood.
At nagparamdam na rin si Prince (na noo'y missing in action) sa amin ni Chelly sa YM. Dito rin niya sinabi na nagkaroon siya ng “rebirth” of faith.
16: Pagkatapos kong magmass sa Gesu dumiretso na ako sa Araneta Coliseum para magwork/manood ng ADMU vs. DLSU Round II. Kasama ko nanood sina Aby, Anj (Aby’s friend), Arthur (Aby’s brother), Hyeonji, ang mga sisters ko at ang nephew kong si Yuan at si Karla. Inihatid na rin namin si Hyeonji sa NAIA Terminal II after mag dinner.
Ito na rin ang huling ADMU vs. DLSU game for Season 73 dahil hindi nakapasok ang DLSU sa Final Four. Ateneo won ulit, 81-65.
17: Sinimulan ko ulit basahin ang “The Return of the Prodigal Son” ni Henri Nouwen. Isa ito sa paboritong reading ko sa Theo 141.
18: Ang unang birthday blowout sa batch. Tiff V.’s birthday blowout to the Yin Yang Pandas.
21: Ninoy Aquino Day kaya holiday. Nanood kami ni Karla sa Podium ng “Time Traveller’s Wife” at nagdinner after.
22: Dinner at Oliver’s sa Boni High with my family kasi first time na napunta ng Manila si Bumblebee.
23: ADMU vs. UST Round 2. I watched with fellow Mata Edboard Charm, JP and Pol. Ateneo won 80-70! Ito ang big game ni Kirk Long. Nagdinner kami sa Taco Bell after.
24: I cut class. Pero nagpunta akong POEA para magregister for Absentee Voting for the 2010 elections. Ikinampanya ko rin ito sa aking fellow scholars at in fairness marami naman ang nagregister. Nagpunta rin ako sa “Meron Philosopher: Padre Roque Ferriols” talk ni Doc Leo Garcia sa Ateneo.
25: Dumpling making with the laoshimen.
26: Dito nagsimula ang lahat. *wink wink* At ang tambalang ito ay naka-ugat sa "nation-building". Diba, Sigh? Haha
27: Ateneo vs. NU Round 2. Ito ang “game” ni Ryan Buenafe. 75-54, Ateneo.
Sa araw din na ito, pumanaw si Senator Edward Kennedy
28: Language Partner Activity kami sa GBF at walang regular classes. After the activity, nagpunta kaming 14 out of the 40 scholars sa Bosay Resort sa Antipolo for an overnight outing.
29: Tulog lang ako buong araw dahil wala kaming tulugan sa Bosay. Naglaro lang kami ng Pinoy Henyo, naglaro ng mind games, at nagkuwentuhan kaya kami napuyat.
30: First time ko mapunta sa The Arena sa San Juan upang manood ng Ateneo vs. Adamson. 52-61 in favor of Ateneo. One year na rin ako sa Facebook nito.
31: Gown fitting nila Mommy, Ate at Khrisy sa cotourier ni Ate for her wedding. Then nagdinner kami sa Shakey’s Katipunan after.
Sa araw din na ito, pumanaw si Ka Erdie Manalo ng Iglesia ni Cristo.
Ang 2010 ay puno ng kontrobersiya at mga isyung bumalot sa bansa. Nasundan ko ito dahil sa araw-araw kong pagkakan baozhi (pagbabasa ng newspapers) tulad ng Philippine Daily Inquirer at Philippine Star.
Ilan lamang dito ay ang mga sumusunod:
Maguindanao Massacre, Martial Law sa Maguindanao, pagkakaroon ng recall kay Grace Padaca sa Isabela ayon sa desisyon ng Comelec, ang diskwalipikasyon sa Ang Ladlad sa party-list race, ang expensive dinner ni PGMA at ng kanyang junket sa New York, ang mga tagong yaman ng mga Arroyo lalo na ni Mikey, ang pagkatakbo ni PGMA bilang kongresista ng Pampanga, ang sex video scandal ni Hayden Kho, ang AH1N1 epidemic, ang Copenhagen climate change talk, ang C-5 road controversy kay Manny Villar, ang di matapos-tapos na usapin tungkol sa Cha-Cha, ang Greenbelt 5 robbery, ang mga trahedya dulot ng mga lumubog na bangka noong Mayo sa Puerto Galera, ang dalawang huling lumubog na bangka nitong Disyembre, ang pinsalang dulot ng bagyong Ondoy at Pepeng, ang napipintong pagputok ng Bulkang Mayon, kontrobersiya dulot ng pagkakapili ng mga National Artists na sina Cecile Guidote-Alvarez at Carlo J. Caparas.




























