Monday, December 28, 2009

Status 2009: An Wen’s Yearend blog

Isang taon na naman ang nakalipas. Dalawang taon ko ng ginagawa ang year-end blog kung saan binabalikan ang mga ginawa ko sa mga araw ng 2009. Ito ang Status 2009: An Wen's Yearend blog chronicling January to March 2009.

January

16: Post-Christmas Dinner with ultimate college friends Prince and Chelly. Dinner at Pasto and Dessert at DQ after.

17: Surprised Karla with her favorites: Beef Stroganoff and Waldorf Salad

18: Watch “The Curious Case of Benjamin Button” with Mara, Prince and JP. Dinner at Super Bowl of China Gateway.


21: Barack Obama was sworn in as the 44th U.S. President. Sa isang napakaakmang petsa, noong araw din na ito na finalize nina Mommy at Daddy ang aming plans sa aming US vacation sa summer of 2009.

24: Meron akong metapisikang di-pagkakapalagay kasabay nito ay ipinost ko ang aking blog na: “Kung bakit ako umiyak sa bagong commercial ng McDo.”

26: At 3:56 P.M., official start na ng Year of the Ox.

February:

7: Church Tour with Karla. Iniisa-isa lang naman naming ang mga old churches sa Manila: Immaculate Concepcion Cathedral sa Lantana, Binondo Church, St. Jude Church, Quiapo Church, San Sebastian Church, Sta. Cruz Church, Our Lady of Loreto Church, San Antonio Church, at our Lady of Mt. Carmel Shrine.

9: At around 10:30 P.M., tumawag ang National Youth Commission Secretariat, natanggap daw ako as one of the six Filipino delegates sa Korea-ASEAN Youth Exchange Program.

10: Pinayagan ako ng aking boss para pumunta sa Korea at magleave sa work from February 19-26.

12: Swelday Food Trip Dinner with Avellana officemates at Curry Curry House, Megamall

13: Rubdob 2009: Isa kaming dalawa ni Karla sa mga hosts ng Rubdob. First time ko rin magparticipate sa Rubdob sa poetry reading. I read excerpts from Ricky Lee’s book: “Para kay B: O kun g paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin”.


14: Overtime ako nito dahil sa Mazda Zoom Fest pero kinagabihan nanood ako ng “Sinta” ni Onofre Pagsaghan kasama sina Prince, Vins, Mara at JP. Nagdinner din kami sa Shakey’s Katipunan after.


15: Shopping for winter clothes for Korea at Trinoma.

16: Karla gave me an advanced birthday gift dahil pupunta na ako sa Korea in two days: “Bulaklak sa City Jail”

18: At 11: 55 P.M., Aby, I, and Kuya Mel took an Asiana Airlines plane to Seoul.


19: Unang gabi sa Seoul. Unang gabi pa lamang ay nagkaroon na ng snow. Wo hen gaoxing!

20: Buong araw na talk kaya kinagabihan inexplore namin ang place at namili ng Korean noodles.

22: Lumipat na kami ng Hyundai Sungwoo Resort para iexperience ang skiing at sledding

23: Skiing lang kami buong araw! Ang saya lang! Kinagabihan, nagkaroon kami ng presentation per country at sinayaw namin ang "Ako ay Pilipino" at "Pinoy Ako"


24: ASEAN World Trade Game at Mini Olympics. Nanalo ang Team Pilipinas! Nagvideoke kami noong gabi.

25: Korean Village Tour kami then balik na kami sa Dreamtel Resort para sa closing ceremonies.

26: At exactly 12:00 NN, lumapag na sa NAIA ang aming plane pabalik ng Pilipinas. Tapos na ang isang linggo ng Winter in Korea ko. :-(

March

1: Shopping for U.S. Trip at Greenhills

6: Francis Magalona died at around 12:00 Noon. Inannounce raw ito sa Eat Bulaga

7: My 23rd Birthday. Sa araw rin ito natanggap ko ang email ng isang NYC Commissioner tungkol sa email invite ng Gokongwei-China Scholarship Program 2009. Ito ba ang birthday gift ni Lord sa akin?

Simple lang ang birthday ko. Walang handa kung hindi pa ako naconvince ng mga kapatid ko na bumili ng carbonara at cake sa Red Ribbon. Nagpunta si Karla sa bahay at ibinigay ang kanyang gift na scrapbook ng mga birthday messages ng mga friends ko sa akin. Hmmm…

Ito rin ang araw na itinuloy ang reunion concert ng Eraserheads sa MOA. Nagbigay sila ng tribute kay Francis M.

13: 23rd Birthday Dinner with ultimate college friends Prince and Chelly at Heaven ‘N Eggs then treat ko sila ng dessert sa Sugarhouse.

14: Matanglawin Baby – Cecilia Regina Pante’s Christening. Kasama kong pumunta rito sina dL, JP, Vins, Chelly, Prince at Karla.

20: Dinner at Sweet Inspirations with Aby and Joyce, fellow delegates sa Korea-ASEAN Youth Exchange Program 2009

22: Isang busy day for me dahil:

Una, umattend ako ng “Found by Love” A Lenten Recolletion with Bishop Chito Tagle sa umaga then after lunch nanood kami ni Karla ng “Sundo” sa Eastwood. Sa araw din na ito ako namili ng bagong camera, ang Canon IXUS 80.


23: Ipinasa ko sa Robinsons’ Tower ang aking application sa GBF-China Scholarship Program

Kasabay nito ay nakuha ko na rin ang memo ni JBA na pinapayagan niya akong magleave ng buong April para sa aking US vacation.

25: Isang dekada na ang nakalipas mula nang ako ay grumadweyt sa grade school. Noong March 25, 1999 ko natanggap ang aking diploma ng grade school education mula sa Tomas del Rosario College.

27: Dumating ang aking Daddy mula sa Russia para sa aming US vacation. Ilang araw bago ako tumulak patungong U.S., inilunsad ko ang Season 3 ng El Viajero multiply site ko na pinamagatang “Ready JET Set Go!”

28: Kasal ng aking nakakatandang pinsan na si Kuya Von. Veil Sponsor ako rito pero pagkatapos ng kasal lumuwas ako papuntang Manila dahil graduation ni Karla sa Ateneo. Naipakilala ko rin siya sa aking boss na si JBA dahil graduation din ng daughter ni Sir Joey si Mariel.


31: Ang araw ng aking flight to Hawaii. At exactly 10:55 P.M. lumipad na kami papuntang Honolulu, Hawaii.

Dumating kami sa Honolulu ng 9.38 P.M., March 31.


2009 is full of…

Lessons/Challenges:

1. Sa taong 2009 ko naranasang pumili between sa isang promotion at sa isang scholarship program sa China na kung tutuusin eh maraming aspeto ng aking buhay ang mababago. Pagkatapos ng scholarship ay kailangan naming gumawa ng isang community project at hindi kami maaring umalis ng Pilipinas sa loob ng tatlong taon except for travel purposes.

Ngunit sabi ko nga sa aking official statement sa aking naging desisyon, tinanggap ko ang scholarship program dahil gusto kong itest kung hanggang saan ang kaya ko at inisip kong baka ito ang magturo sa akin sa aking career path.

Looking back, wala akong pagsisisi sa ginawa kong desisyon. My last five months in GBF has been one of the most exciting phases of my life.

2. Ngayong 2009 ko rin napag-isipan na gusto kong mapaglingkuran ang Bataan lalo na ang Balanga in the future. Kung 2013 man o 2016, hindi ko pa alam. Basta sigurado akong gusto kong ang makikinabang sa aking mga natutunan at napag-aralan ay ang aking mga kababayan sa Bataan.

3. Dito ko naranasang magpart-time sa work at mag-aral ng sabay at masasabi kong for the last five months nabago talaga nito ang buhay ko.

4. Sa taong ito natutunan kong kung may mawala sa iyo, may kapalit rin. Hindi ko na gaanong nakakasama ang aking mga highschool at college friends this year. Ako na lang ang natira sa mga batchmates ko sa Avellana ngunit sa pamamagitan ng GBF at ng Korea-ASEAN programs, nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan sa katauhan nina Aby at Joyce na nakasama ko sa Korea at sina Desi, Sigh, Age, Aiz, at ang Xiamen Class na mga kasama ko sa GBF.


5. Natutunan ko rin na hindi usapin ang distansiya at dalas ng pagkikita sa pagkakaibigan. Ang mahalaga, matagal man kayo huling nagkita, wala pa ring dapat nagbago. Salamat Prince at Chelly!

6. Oo, may mga bagay nga sigurong hindi na mauulit muli tulad ng pagkakabuo ng maramihang Matanglawin Tanders Reunion. Pero may mga tao pa ring kahit panaka-naka ay gagawa pa rin kayo ng paraan upang magkita-kita tulad ng ginagawa namin ng Mata Edboard 06-07.

7. Nakakatuwa sapagkat may katuwang ako sa mga bagay tulad ng mga pag-oorganize ng mga meet-ups kasama ang iba ko pang kaibigan sa katauhan ni JP. Sabi ko nga sa kanya, kung ako si Noynoy, siya (JP) ang aking Mar. Siya ang katuwang ko sa pag-oorganisa ng mga meet-ups.

8. May mga college friends ka na mas magiging kaclose mo pala sa panahong wala na kayo sa kolehiyo tulad nina Mel and Abi.

9. Sa taong din ito, first time na naospital ang aking Mommy dahil sa sakit sa puso. Dito ko napagtanto na tumatanda na nga ang aking parents kaya ipinangako ko sa aking sarili na I will take care of them sa kanilang pagtanda. I also realized na sa pagtanda ko mas lumalawak na at bumibigat na ang aking responsibilities.

No comments:

Post a Comment