Sunday, January 3, 2010

Status 2009 (Last Part): December with a bang!

December:

1: Deadline ng I-Care sa GBF Committee. Birthday celebration ni Age at lunch meeting ng Xiamen Class sa SM Hypermart sa Pasig.


3: Formal Pictorial for the Panda Brush Magbook.




4: China-Philippines Talk kami sa Ching Tan Room sa Ateneo. No regular classes. Lunch kami sa Manang’s ng ilang classmates ko.

Nag-Embassy din ang ibang classmates ko pero hindi na ako sumama dahil monthsary namin ni Karla. First Friday Mass at Pentecost then Dinner at Banapple.

Ito rin ang araw ng declaration ni PGMA ng Martial Law sa Maguindanao.
At ang Kourtyard Declaration. :P

5: Namili si Karla ng bagong laptop sa Greenhills.

6: Sampung taon na ang longest-running morning show sa Philippine TV – Unang Hirit! Malapit sa puso ko ito dahil dito ang first job ko.

Nanood ako ng Sesquicentennial Concert sa Gesu. Ang ganda ng concert. Kinanta ang “Sana Ngayong Pasko” in a capella at ang “Prayer of St. Francis”.



Nameet ko rin sina JP at Mel sa McDo Katips.

Nanood ako ng Harapan: ABS-CBN Presidential Forum

8: Xiamen Class shoot for the presentation on December 15. Masaya ang shoot ng buong araw at ang shoot ng Pengyou music video. Dito nagsimula ang “hala-halaman” ni Age. Haha

Birthday Celebration din for Desi. Kasama kong nagplan sina Age at Sigh. Thank you Aiz for playing a good sport!

Pero akala namin matatapos ang araw nang masaya ng bigla kaming naupset pagkatapos ng shoot lalo na kami nina Age at Sigh. :-(

9: Ang araw na hindi pumasok si Age dahil sabi niya, “kailangan ko rin magmove-on”. Haha! Ito rin ang araw na napatunayan naming cliquish talaga si Tristan. Wo ai Xiamen ban ang drama niya. Kapihan at kuwentuhan sa Casa Ma Yi Ran (read: Xiamen Room) lang kami buong araw.

10: 150th Anniversary ng aking Alma Mater, ang Ateneo de Manila University.
Huling Intro to China class din ito. Waaah! No more sleepyhead moments. Hehe

12: Iglos activity ng batch namin, isa itong social responsibility activity spearheaded by Prim and Ben. Sesquicentennial Homecoming din ito. Pero hindi ako nagpunta dahil 95% ng nagpupunta sa ganito ay matatanda. Nagdinner na lang ako kina Karla at nagpunta kasama ang aking family sa Rockwell Bazaar. Hindi na rin ako nakasunod sa party ng mga laoshimen sa Burgundy.


13: Umattend ako ng Advent Recollection ni Bishop Chito Tagle, ang “Grace upon Grace”. Then after lunch magmimeet pa sana kami nina JP, Prince at Chelly for a Christmas get-together. Hindi kami natuloy dahil may matinding migraine si Prince kaya tinapos ko na lang ang Intro to China Paper ko.

Nanalo ang Blue Eagles laban sa FEU Tamaraws sa Philippine Champions League. Sa pagkapanalong ito ng Blue Eagles, grandslam sila ngayong 2009 sa kanilang mga sinalihang liga – Unigames, UAAP at Philippine Champions League. Isang nakapaakmang pangyayari ngayong 150th year ng Ateneo.

14: Editing of our Video Presentation sa Coffee Bean at Tea Leaf sa Eastwood Mall na uma-ambiance! Sabay kami nagpunta ni Sigh papuntang Eastwood kaya dito nagsimula ang aming relasyon bilang mag-ina. Haha

15: Graduation Ceremony at Confucius Institute/GBF Christmas Party/Aiz’ Birthday Celebration/Big Reveal/Xiamen Dinner at T-Boy Greenhills after Policarpio Christmas lights sightseeing.

Memorable ang araw na ito dahil sa:

-Announcement ni Sir Nic na all 37 of us will go to Shanghai next month. First night din ito ng Simbang Gabi, my wish is granted bago ko pa mabuo ang Simbang Gabi.

-Ang pagkaka-“seal”, literally and figuratively, ng Sigh at Ritchie loveteam.

-Ang mga individual awards sa bawat Panda. I received the Best in Time Management (work and Hanyu), UAAP Buddies, at Mr. Kupido

-Ang kinarir namin nina Age at Sigh na video ni Aiz for her birthday.


-Ang pagsusulat ng bawat isa’t isa ng message sa bawat Panda

-Ang friendship game na sinalihan namin ni Age

-At ang themesong of the day: "Loveteam" ng Itchyworms. Haha

16: First Simbang Gabi Mass at Pentecost, 4: 30 A.M.

Jollibee Children’s Party for the laoshimen organized by Tiff V. Then mineet ko si Karla sa makasaysayang Kourtyard CafĂ© after ng party.

Second Simbang Gabi Mass at Gesu: 8:30 PM with Maria Laoshi, Jay-R, Mark and Mami Sigh

17: Enchanted Kingdom with laoshimen he tongxuemen. After 8 years, nakabalik na ako ng EK! Ininterview ko rin si Tiff V para sa profile na ginagawa ko about her.



Kuwentuhan at tawanan with Lanie, Sigh, Aiz, Age, Celcius, Anton and Desi papunta at pauwi from EK. Dito nagsimula sina Dominga, Junibert, Ta Lups, Ta Berts, Bogart, Mommy Henny, Junji, Bamba, Ofelia, Tiburcio, Aleli, Romnick, Ta Luz, at Hesusa. At dahil ito na ang huling araw ng GBF bonding, nag-photo-op na ako kasama ang mga laoshimen.


Ginabi na rin kami nina Sigh at Desi sa Katips dahil nagkuwentuhan pa kami.

18: Third Simbang Gabi Mass: Pentecost, 4:30 A.M.

Avellana Christmas Party at Ortigas Home Depot. Ibinigay na ang bonus namin at natanggap ko ang nasa wishlist ko na book: Art of Travel ni Alain de Botton. Thanks David!

Dumaan din ako sa condo ng mga laoshi to give my gift to them.

Sobrang traffic nito kasi Christmas Party ng mga tao at “Lantern Parade” sa UP at “Paskuhan” naman sa USTe.

19: Fourth Simbang Gabi Mass: Pentecost, 4: 30 A.M.

Fifth Simbang Gabi Mass: Ortigas Park with Karla, 6:30 P.M.
After nito, dumaan kami sa Matanglawin Christmas Party/Tanders Homecoming sa Colayco Pavillion.
Nakita ko rin dito sina Hub, Mara at isa sa dating EIC ng Matanglawin si Kapi kasama ang kanyang fiancé na si PJ. Then after mag-eat-and-run sa Matanglawin, pumunta kami ni Karla sa birthday party ng law blockmate ni Karla na si Pat sa Valle Verde.

20: Nagpasama ako kay Desi mamili ng gift ko para kay Karla sa Eastwood Mall. Sa araw rin na ito ako namili ng bagong phone ko: Samsung Omnia. Namili rin ako ng “pamasko” ko. Nag-Red Mango rin kami pakatapos ko bumili.

Sixth Simbang Gabi Mass: Gesu with Desi and Sigh, 8:30 P.M. Ang gabi na puno ng signs: Gate 3 overpass, MAcky de Ma, AIra de Ai, homily ng priest na nabanggit ang Copenhagen climate change at ang bilin niya sa mga tao na “magreflect” ngayong Pasko, ang Sony Ericson phone with the orange backlight, etc. Diba Sigh? Hehe

21: I sent my Fudan University application form sa GBF over email.

Seventh Simbang Gabi Mass: Gesu at 8: 30 P.M. with Karla. Nagbigayan na kami ng Christmas gifts ni Karla. It turned out, parehong brown na wallet ang gift namin sa isa’t isa. Sign ba ito? Haha! Nakita rin namin si Sigh sa Gesu after ng mass.

22: Karla’s Paternal Grandmother passed away at the age of 67.

Huling working day ko sa office. January 4 pa ang balik ko kaya naman to celebrate this, dumaan pa ako ng California Berry sa Megamall bago umuwi.

Eighth Simbang Gabi Mass: Pentecost with my Mom, 8:30 P.M.

23: Pauwi na kami to Bataan

24: Ninth Simbang Gabi Mass: St. Joseph Cathedral, 4:00 A.M. with my mom

It’s official: Jed officially completed the 9-day Simbang Gabi masses for the 12th consecutive year.

Ako ang nakatokang magluto for Noche Buena so ako nagluto ako ng aking Spaghetti ala Jed at Waldorf Salad.

Christmas Eve Mass at St. Joseph Cathedral at 10:00 P.M.

25: Baluyot Annual Christmas Party at Villa del Pilar. Sobrang saya ng party this year. Purple ang concept ng party so lahat kami nakapurple. Family Feud, Pinoy Henyo, ilan lang ito sa mga games na nilaro namin.

Overnight Inuman with cousins after the party.

26: Highschool friends get-together at Quinta.

27: Mom and Dad’s 28th Wedding Anniversary. To celebrate this, nag-Max’s kami for dinner.

Nanood ako ng yearend specials ng GMA-7 at ABS-CBN. Ang hatol: Kung last year, mas gusto ko ang 2008Upload ng ABS kaysa sa Versus ng GMA-7, ngayon mas nagustuhan ko ang Biyaheng 2010 ng GMA-7 kaysa sa Shoutout 2009 ng ABS.

30: Binisita namin sa Morong, isang town sa Bataan, ang officiating priest para sa kasal ng Ate ko sa February, si Fr. Ronnie Loreto. Ipinasyal niya kami sa high-end resort ng mga Ayala sa Bataan, ang Anvaya Cove. Then dumiretso kami nila Mommy sa Subic para mamili ng mga ingredients for our New Year’s Eve Dinner.

31: Ang departure ni Grace Laoshi pabalik ng China. All the while, akala namin eh January 5 siya babalik. Oh well. Salamat Grace laoshi for all the tingli memories with you. We love you!

Nagluto na kami for our Media Noche: grilled asparagus and corn, rib-eye steak, mashed potatoes, and straberries and cream for dessert.

New Beginnings for 2009...forward to 2010!

Kung may pamamaalam at marami ring dapat ipagpasalamat dahil sa mga pagbabagong dala ng 2009 at mga darating pa ngayong 2010:

1. Ngayong taong ito, marami mang taong nawala sa buhay ni Prince ngunit taong 2009 din siya nagkaroon ng bestfriend sa katauhan ni EZ at ngayong taon ding ito raw niya higit na lumalim ang kanyang pananampalataya.

2. Looking forward ako sa aking birthday sa Shanghai ngayong 2010. Matagal ko ng gustong gawin ito yung magcelebrate ng birthday mag-isa at malayo sa aking comfort zone. Ito ang unang beses na magdiriwang ako ng aking kaarawan na wala sa Pilipinas at malayo sa pamilya at mga kaibigan. Sa aking mga hao pengyou, alam naman ninyo kung ano ang makakapagpasaya sa akin diba. Haha

‘Yun nga lang, marami akong mamimiss na events: Holy Week, birthday ng kapatid ko, birthday ni Karla at anniversary namin at ang 2010 elections.

3. 2010 is all about Shangha…si!

Naniniwala pa rin kami ng aking Mama Sigh na ang taong ito ay panahon ng pag-iibigan sa Casa Ma Yi Ran (Read: Xiamen Class). At ang 2010 ay panahong hindi na mauulit ang mga “in retrospect” moments because the greatest power is the power of...AI! Haha

4. Highly anticipated din ang taong 2010 dahil sa eleksiyon sa Mayo 10. Dala ng mga kontrobersiya ng kasalukuyang rehimen, tila nakakakita ng pag-asa ang sambayanang Pilipino sa gaganaping halalan.

Excited na akong bumoto sapagkat automated na ang election at boboto ako through Overseas Absentee Voting sa Shanghai.

5. Lumawak din ang perspektibo ko ngayong taon dala ng aking mga partisipasyon sa Korea-Asean Youth Exchange Program noong February at sa GBF-CSP mula noong July. Mas naging bukas ako sa ibang kultura at mas nagkaroon ng global mindset.

6. Ngayong 2009 din masasabi kong lalong lumalim ang aking pananampalataya. I find joy whenever I attend the mass kahit hindi Sunday. At karamihan sa aking panalangin ang natupad ngayong taong ito.

Patuloy pa rin akong nanalangin sa unti-unti kong pagbuo ng aking sarili towards a better future. Alam kong ituturo din Niya ang aking misyon “in the greater scheme of things”.

7. Ang taong 2009 ay panahon na marami akong napuntahang lugar sa US. Ngunit ngayong 2010, China naman ang aking susunod na iinvade. Looking forward din ako sa aking Cebu trip sa weekend ng Sinulog at marami pa akong hinahangad na mapuntahan sa Pilipinas tulad ng: Batanes, Davao, Coron, Caramoan, Cagayan de Oro, atbp.

8.Sa aming pamilya, dalawang malalaking pangyayari ang magaganap ngayong 2010: ang kasal ng aking Ate sa February at ang kanyang bar exams sa Setyembre. Excited na rin ako sa susunod naming family trip sa…secret! Haha

Lessons and Challenges. Travelocity. Issues. Gamechangers. Goodbyes. New Beginnings.

Ito ang mga tumatak sa aking 2009. Ngayong pagpasok ng 2010, hangad ko’y isang mabiyaya, mapagpalaya at mapagnibagong taon para sa ating lahat.

No comments:

Post a Comment