1: Sa araw na ito, nagdeklara si Mar Roxas na siya ay hindi na tatakbong bise-presidente ng Liberal Party para mag-giveway kay Noynoy Aquino.
2: Birthday Celebration ni Keisha, ang Kris Aquino ng YYPs pero August pa ang birthday niya. Si Keisha ang aking future running mate. Haha
Sa araw din na ito, pinatay sa isang robbery si Alex Tioseco, isang tanyag na film critic.
Nagbigay rin ng pahayag si Noynoy Aquino at sinabi niyang pag-iisipan niya ang mga panawagan ng tumakbo siya sa pagkapangulo. Sinabi niyang magreretreat siya sa Davao sa weekend.
3: Birthday Celebration ng aming Batch President, si Atty. Ritchie Avila a.ka. Daddy Romnick he Wei Furui.
4: Nanood ako kasama ang ilang classmates ng “UP” sa Robinsons Galleria. Mahirap umuwi from Robinsons Galleria dahil maulan kaya matagal kami naghintay ng taxi kasama ang aking Katipunan hao pengyou na sina Desi at Sigh. Dito nagsimula ang mga “foundations"! Haha
6: Nanood ako ng ADMU vs. UP game kasama ang aking highschool friend na Peyups na si Chattie. Nanalo ang Ateneo, sweet revenge ika nga, 75-93. Ngunit inatake sa puso habang nanonood ng game ang ama ng Maroons player na si Arvin Braganza.
Nagdinner kami sa Robinsons Galleria after ng game ni Chattie. At nakasabay ko sa bus from Ortigas to Cubao pauwi si Desi.
7: Walang pasok dahil libing ni Ka Erdie. Nanood kami ng Kimmy Dora ng aking Matanglawin Friends JP, Mara, at Pol, ang aking mga Matanglawin friends. Nilibre din kami ni JP kasi birthday niya ng September 10.
8: One Year na ako sa Avellana. Nagsimba ako sa EDSA Shrine dahil birthday ni Mama Mary. Pagkatapos ng misa, nakatanggap ako ng text na inilipat na ng Vatican ang aming bishop sa Bataan na si Soc Villegas sa Lingayen-Dagupan. Siya ang pinakabatang arsobispo sa bansa sa edad na 49.
Sa araw na ito naging “official” na ang college friend ko na si Chelly at si Icy.
9: 9-9-9 Alas-otso ng umaga, nagdeklara si Noynoy Aquino ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa 2010 elections sa ilalim ng Liberal Party. Nakatutok ako noon sa Unang Hirit at naglive si Arnold Clavio sa Club Filipino upang iulat ang mga kaganapan roon.
Kasabay nito ang ika-40th day ng pagkamatay ni Cory. Sa iba’t ibang simbahan nagtungo ang magkakapatid na Aquino upang magsimba at makibahagi sa mga pagdiriwang: si Ballsy sa DLSU Dasmarinas sa Cavite, si Pinky sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao kung saan ang nagmisa ay ang family friend namin na si Bishop Nes Ongtioco, si Viel sa Antipolo Cathedral, si Noynoy sa Redemptorist Church sa Baclaran at si Kris sa St. Joseph Cathedral sa Balanga City, Bataan.
Dito rin unang beses nagpaalam si Bishop Soc sa mga taga-Bataan.
10: DLSU fails to enter the Final Four for the first time in UAAP history. DLSU lost to NU, 63-61.
11: Nagkaroon kami ng Chinese Calligraphy session after class.
12: Nakuha ko na ang aking college diploma, finally! After nito ay nagpunta ako sa Gateway Cubao upang manood ng Ateneo-FEU game kasama ang aking college blockmates na sina Mel at Abi. Treat din ni Abi ang lunch namin sa Cibo. Kasama rin naming si Anna ng Guidon sa lunch. Lahat sila ay mula sa The Guidon at ako ang galing sa Matanglawin kaya tinawag ko itong Lunch with the GG...Guidon Girls!
Ateneo won over FEU, 74-73 sa isang game na akala ng lahat ay preview ng Finals! 13-1 ang record ng Blue Eagles after ng dalawang rounds ng eliminations.
13: Nanood kami ng Cheerdance Competition ni Karla. Pumasok ang Blue Babble Battallion sa Top 3 dahil 2nd Place sila. Naungusan ng Babble ang UP Pep Squad UP dahil 3rd Place lang sila. Nagchampion ang FEU at hindi nakapasok sa Top 3 ang Salinggawi.
Sobrang saya ng Ateneo crowd sa loob ng Araneta Coliseum. Feeling champion. Ang masasabi ko lang, the aerial moonwalk sealed it! At ang routine ng Babble, cool ang music na ginamit, Coldplay (Viva La Vida at Clocks)! Gumamit rin sila ng music from "Hairspray" at mga awitin ni Michael Jackson.
16: Nagkaroon ng hailstorm sa Balanga City
Dito rin iprinoklama na si Gilbert Teodoro na ang standard-bearer ng Lakas-Kampi-CMD
19: Tagaytay with Xiamen Class and laoshimen. Ang makasaysayang Tagaytay trip na nagpabago ng lahat. Dito nagsimula ang pagiging cliquish, ang bonding, ang mga “clamor” at ang pag-usbong ng mga bagong pagkakaibigan at pagmamahalan. Naglaro kami ng mind games pauwi dahil sa traffic. Ayon kina Grace Laoshi at Tristan Laoshi, iyon ang isa mga memorable GBF moments nila. Awww.
Unang beses ko rin makapasok sa Caleruega ang simbahan na pagkakasalan ng Ate ko sa February.
20: Nanood kami nila Daddy, Ate, Khrisy at pamangkin kong si Yuan ng Ateneo-UST Final Four Game. Ateneo won! 81-64! Sa pagkapanalong ito nakapasok na ang Ateneo sa Finals for the sixth time since 2001.
Nagkatext rin kami ng college friend ko na si Prince at nasa Tagaytay din pala siya noong weekend na ito. Coincidence!
21: Nanood ako kasama ang aking family at si Karla ng “In My Life” sa Power Plant. Holiday ng araw na ito dahil End of Ramadhan.
22: Balik aral at work na. Gabi na ako nakauwi dahil nakipagmeeting ako kasama ang Youth for Noy campaign team sa pamumuno ng classmate ko sa Ateneo at apo ni Cory na si Jiggy Cruz, pamangkin ni Ninoy na si Bam Aquino, atbp.
At ang bungad sa akin ni Jiggy: “Sino ang gusto mong kalaban natin? FEU o UE?”
24: UE vs. FEU do-or-die game para malaman kung sino ang lalaban sa Ateneo sa finals. UE won kaya red vs. blue ang labanan sa championship.
25: Matanglawin’s 34th Anniversary. Gabi na ako nakauwi dahil sa meeting for Noynoy sa Astoria Plaza. Walang tigil ang ulan kinagabihan.
26: Patuloy ang malakas na ulan kinaumagahan. Pupunta sana ako noon sa Shang kasama ang classmate kong si Lanie upang magbigay ng moral support sa mga classmates kong magpeperform sa play naming na Chang-E ngunit sobrang lakas ng ulan. At around 11:00 A.M. pinasok na ng baha ang bahay namin sa Xavierville. Gabi na nang bumaba ang tubig.
27: Kinabukasan nang buksan namin ang TV at after malinis ng bahay, doon namin nalaman na malaking bahagi ng Metro Manila ang lumubog dahil sa bagyong Ondoy. Nakituloy rin muna si Karla sa bahay namin dahil baha pa sa kanila.
28: Suspended ang classes hanggang kinabukasan.
29: Idineklara na rin na walang pasok sa Metro Manila buong lingo upang makapaglinis ang mga tao ng mga kani-kanilang bahay na nabaha.
30: Nagvolunteer ako sa Cubao Expo para sa relief operation para sa Ondoy. Pumasok ako sa office after lunch.
2009: Nang mabago ang laro...
Ang Setyembre ay panahon ng mga “game changer”. Ito ang buwan na maraming pangyayari na nagpabago ng lahat, mga upsets, mga sorpresa, at ang emergence ng mga dark horse. Nariyan ang Tagaytay Outing ng Xiamen Class na nagsimula ng lahat ng pagiging cliquish, pagiging close at bonding namin.
Sa buwan ding ito, nagdeklara si Noynoy Aquino ng pagtakbo sa pagkapangulo. Isa lamang siyang political lightweight bago namatay ang kanyang ina ngunit pagkatapos ng August 5, sa mga salita ni Alex Magno, si Noynoy ang “gamechanger” ng 2010 elections.
Sa UAAP, ang hindi pagpasok ng DLSU sa Final Four, ang pagpasok ng Blue Babble sa Top 3 sa Cheerdance ay ilan lamang sa mga upsets. Ang hindi paglaro ni Mark Barroca sa dalawang Final Four game ng FEU ang “gamechanger” ng UAAP Finals. Inaasahan na ang FEU-ADMU finals match-up. Ngunit dahil sa suspension kay Barroca bunsod ng game fixing allegations ay nabago ito.
Setyempre rin nagsimula ang pagkakaroon ko ng mga kaibigan – sabi ko nga, from tongxue to pengyou – sa GBF. Ilan lamang dito ay ang panonood ng “UP” at pag-aabang ng taxi pauwi ng Katipunan kasama kina Sigh at Desi at ang Tagaytay Xiamen Outing, ang pagpunta ng Batangas pagkatapos manood ng “UP” nina Jay-R, Zee, Evert at Mark ang nagsimula ng kanilang Beijing Click Barkada. Hehe
Setyempre rin nang naminsala ang bagyong Ondoy sa Kamaynilaan. Dahil dito napag-usapan ang disaster preparedness ng pamahalaan at lalong umigting ang mga panawagan sa pag-iingat sa kalikasan at ang banta ng pabago-bagong klima o climate change. Naparalisa nito ang Metro Manila sa loob ng isang linggo. Dahil dito, isang lingo kaming nawalan ng pasok sa GBF at pagbalik namin lumipat na kami sa bagong rooms at ito sa tingin ko ay nakapagpago rin sa dynamics ng Xiamen Class.
Looking back, hindi man Setyembre nang sinimulan namin ni Sigh ang “clamor” may foundation naman na ito Setyembre pa lamang.
Sa taong ito, nabago rin ng Facebook at Twitter ang cyberworld. Sila ang mga "gamechanger" sa social networking sites. Nawala bigla ang "tao" sa multiply at friendster.Sa local television, nabago rin kahit papaano ng TV5 ang saturday primetime habit ng mga Pinoy dahil sa "Talentadong Pinoy". Mataas ang ratings nito kaya naman nagpalit kaagad ng format ang Bitoy's Funniest Videos at Pinoy Records naging talent show na sila. Nagkaroon din ng Showtime, isang talent variety show sa Dos, tuwing umaga. At magkakaroon din ng pantapat ang ABS-CBN sa Talentadong Pinoy ng TV5, ang "Pilipinas Got Talent".
Ilan lamang ang mga ito sa gamechanger ng taong 2009. Mainam ang pagkakaroon ng gamechanger sapagkat naiiwasan natin ang pagiging complacent. Nakakatakot kasi ang labis na kaayusan ng isang estado. May tendensiya na maging panatag masyado at hindi na maghangad ng pagbabago.
Kasabay nito, ang aking hiling sana'y ang 2010 elections na ang "game changer" para sa bansang Pilipinas.
No comments:
Post a Comment