1: Game 1 ng UAAP Finals: ADMU vs. UE. Kasama ko si Mel manood nito. 78-71 in favor of Ateneo. September 27 ito dapat pero napostpone dahil sa Ondoy.
2: Pumila ako ng tiket sa Ateneo para sa Game 2 ng Finals habang nag-aaral ng Hanyu. Nagfirst Friday mass ako sa Ateneo pagkatapos pumila then nakipagmeet kay Desi sa Flaming Wings dahil ibinigay niya ang pasalubong niyang pomelo from Davao.
4: Nanood /Nagwork ako for the Game 2 ng UAAP Finals. Natalo ang Ateneo sa UE! 88-68! Isa sa mga devastating na pagkatalo ng Ateneo.
7: Nagsimba ako sa EDSA Shrine kasi Our Lady of the Holy Rosary Feast Day. Syempre ipinagdasal ko rin ang Game 3 ng Finals kinabukasan.
Sa araw rin na ito pumanaw ang isa sa mga mamahayag mula sa PCIJ, si Alecks Pabico.
8: Game 3 ng UAAP Finals ng ADMU vs. UE. Pumila kami ng mga classmates ko na sina Lanie at Jap for the tickets so we can watch the game. Pero naubusan na kami. Si Lanie lang ang nakapasok ng Araneta Coliseum dahil may nagbenta sa kanya ng ticket pero same price pa rin. Iba na talaga ang piaoliang de guniang (beautiful girl)! Nanood na lang ako sa TV. Walang kuwenta ang game! As early as 2nd Quarter, alam mo ng Back-to-Back ulit ito for the Blue Eagles.
After the game, my college blockmate Mel and I went to Gesu para sa Victory Mass.
9: Nilibre ko ang Xiamen Class ng Banoffee Pie from Banapple. Promise ko kasi yun sa kanila na kapag nagchampion ang Ateneo manlilibre ako.
Wala rin kaming quiz sa Hanzi dahil nakipagdeal ako sa Hanzi laoshi ko na walang quiz kapag nagchampion ang Ateneo.
10: Back to the Bonfire Night at Ateneo Grade School. Ang Bonfire na sinasabi ng ilang na hindi masyadong masaya kumpara sa bonfire last year. Pagkatapos ng bonfire, nagpunta kami sa Kenny Rogers at Starbucks ni Karla kasama sina JP, si Chelly at ang bf niyang si Icy at si Prince at ang bestfriend niyang si E.Z.
First time ko rin mameet ang Law blockmates ni Karla dahil sumama ako maglunch sa kanila sa Wok Dis Way.
14: Nagsimula na ang extension ng aming class sa GBF tuwing MWF para magreview for the HSK.
15: Dinner with Aby and Desi sa TOSH Katipunan. Si Aby na nakasama ko sa Korea ay student dati ni Desi sa Davao.
16: Birthday ng college pengyou ko na si Prince. Pinapupunta ako ni E.Z. sa Eastwood upang maging bahagi ng surprise nila para kay Prince. Nasurprise naman ang birthday boy.
17: Nagdinner kami ni Karla sa Chilly Willy’s sa Katipunan after mag-isaw sa UP at sunduin siya sa College of Law.
18: Ang araw ng robbery sa Rolex store sa Greenbelt 5.
19: Nagtreat ako sa office. Long overdue na ito dahil sa pagiging champion ng Ateneo.
21: Opisyal na iprinoklama sa Tondo ang tambalang Estrada-Binay sa 2010.
Nanood ako ng Probe Profiles: Gibo Teodoro
23: Dinner at Persepolis with Katipunan Hao Pengyou: Renee, Age, Aiz and Desi, and Sigh.
Dito rin “nagsimula” ang “clamor”.
Umatras na rin si Ronnie Puno sa Vice-Presidential race. Samantala, nagdeklara si Loren ng kandidatura niya sa pagkapangalawang pangulo.
24: Binondo Amazing Race organized by the Events Committee. Isa ito sa mga “gamechanger” ng taon ko. Kung bakit, ask Cheng and Lanie. Kasama sina Fred, Ace, at Carlo sa Blue Team, kami ang nagchampion!
Kinagabihan, nagdinner kami ni Karla sa Café Juanita. Ang ganda ng place at masarap ang food. Nakita pa namin dito si Dinky Soliman
27: Ang “Wedding of the Year” nina Mar at Korina.
28: In a surprise move, kumalas si Chiz Escudero sa NPC. Kinagabihan, pinanood ko ang Probe Profiles: Chiz Escudero.
29: Nagcut ako ng Intro to China at “nagwala-walaan.” :P Dito ko ikalawang beses ginawa ang pag-alis nang maaga habang nagsasalita ang lecturer sa harap. Para-paraan lang yan. Haha
30: Hindi na ako pumasok sa class nito pero Halloween Costume Party sa GBF. Umuwi na ako ng Bataan para 4 days ang bakasyon ko.
Umattend din ako ng Farewell Mass ni Bishop Soc Villegas sa mga taga-Bataan.
November:
2: Bumalik na ako ng Manila kasama ang sister kong si Khrisy. Nagcocomplain na ang aking mommy na madalas siya hingalin. Sabi ko sa kanya, magpatingin na siya sa doctor.
3: Nag-usap kami ni Age at nagkasundo na kami na magjoin para sa "We Care" namin.
4: Installation ni Bishop Soc Villegas bilang bagong Archbishop ng Lingayen-Dagupan. Nagpunta ang Mommy ko rito. Tumuloy rin siya sa Our Lady of Manaoag Shrine after nito.
As usual, puyat na naman ako dahil sa Probe Profiles: Noynoy Aquino.
6: Nag-First Friday Mass ako sa EDSA Shrine at dito napansin nila Rhea at Desi na ang tahimik ko raw at hindi ako ang usual perky Jed.
7: Xiamen Review for HSK at Casa Xocolat Katipunan (Aiz, Desi, Age, Sigh, Renee and Tristan). Sa araw rin na ito naconfine ang Mom ko after niya magpacheck-up sa doctor. Friday night pa lang ay nagcocomplain na siya na masakit ang dibdib niya pero ayaw niyang magpadala sa hospital.
8: HSK Exam at CTC 105. After nito, nagkaroon ng lunch ang Xiamen class sa Wok Dis Way.
11: Nanood ako ng Probe Profiles: Nicanor Perlas
12: Absent ako buong araw kasi Mazda CX-7 at Mazda CX-9 Media Launch
Nagmeet din kami ng college friend at Matanglawin colleague ko na si Hub para humiram ng readings niya about Mass Media in China para sa aking paper.
13: Friday the 13th. Nagdinner ako kasama sina Aiz at Age sa Gloria Maris sa Podium. Dito ko rin ipinareformat ang laptop ko at hindi nagawang iback-up ang files. So nabura ang aking files. As in simot. Kinailangang i-reformat ng laptop ko dahil nalimutan ko ang password ko. Ganoon kasimple. Haha
Pinangalanan na rin ang runningmate ni Gibo sa katauhan ni Edu Manzano. Isang malaking Friday the 13th joke.
14: Xiamen Study Group at Kourtyard Café kasama si Tristan Laoshi. Nagkita kami ni Karla after at nagdinner sa Perspolis. Nameet na rin ni Karla ang mga GBF classmates ko: Desi, Aiz, Tiff C. and Renee at ang mga laoshimen: Tristan and Grace
15: Pacquiao-Cotto fight kung saan nanalo muli si Pacman. Pero dahil wala akong pakialam, “My Big Love” sa Channel 2 ang pinanood ko. Macky de Ma! Aira de Ai! Haha
16: Isang stressful na araw dahil dictation sa Ting Li, exam sa Compre at Hanzi. First day rin ito ng Kris Kringle sa GBF.
18-19: Kasama kong nag-cut si Age sa classes ng dalawang araw. Kasama namin ang mga college friends ko na sina Age at Scott na nagtalk sa mga college journalists sa buong Region III, siyempre, sa Bataan.
Nagtalk ako for Opinion Writing and Headline Writing. Nagjudge din kami ng mga entries.
Nanood din ako ng Probe Profiles: JC delos Reyes.
At least, nadestress kami ni Age ng dalawang araw. No Hanyu except kung magpapractice kami with Scott. Hehe! Nabalikan ko rin ang unang love ko, ang journalism.
November 19 nang hapon nang mabasa ko sa Yahoo News na pumanaw na ang premyadong actor na si Johnny Delgado
20: 3 Hours lang ang tulog ko dahil maaga kaming bumiyahe pabalik ng Manila. After
class, nag-aya ang aking college friend na si Prince na magmeet sa Eastwood. Dapat sana tatlo kami pero hindi puwede si Chelly. Kumain kami sa Fazolis, dessert at Red Mango at nagcatch-up ni Prince dahil ang tagal na naming hindi nagkakausap.
First time kong mag-Red Mango ng araw na ito.
21: Salcedo Market Lunch with family then kinagabihan nagdinner kami ni Karla sa Serendra at nagdessert sa Lulu Belle, isang brand ng fro-yo.
22: Pinanood ko ang part 1 ng Isang Tanong: GMA News Presidential Forum
23: Naganap ang karumaldumal na Maguindanao Massacre
24: My maternal grand aunt Lola Thelma ay inatake sa puso. Nakaconfine siya sa hospital at hinihintay na lamang na maubos ang gamot dahil wala ng activity sa brain niya.
25: Ang isa sa masasayang araw sa GBF: ang class pictorial part 1.
Pinanood ko ang Probe Profiles: Dick Gordon
26: Ang huling major exam sa Tingli na sobrang hirap.
Ang lecture ni Dr. Elizabeth Tan sa Intro to China na dinadaldal ko si Age dahil gusto kong i-share ang aking magandang view. Nagtataka ako dahil hindi niya ako pinapansin ayun pala nagbanta pala si Dr. Tan na kung sino ang magsasalita ay papalitan siya sa harap. Haha! Age, natatandaan mo pa ba ito?
Nanood din ako ng Hanban Dance Troupe kasama ang mga classmates ko sa MVP Roofdeck at siyempre ang masarap ng dinner sa CTC after. Napakaakmang Thanksgiving nito. Hehe
27: Dumating ang Daddy ko from Russia at dumiretso na kami sa Bataan dahil libing na ni Lola Thelma kinabukasan.
28: Baptism ni Bree sa New Jersey, ang aking inaanak.
Funeral din ni Lola Thelma sa Bataan
29: Bago kami bumalik sa Bataan, kumain kami ng ng bibingkang galapong at puto bumbong. First time ko kumain this year ng paborito kong bibingka tuwing pasko sakto pa sa First Sunday ng Advent. Hehe
Nanood ako ng Isang Tanong GMA Presidential Forum Part 2.
30: Ocular sa Tagaytay ng aking Ate for her wedding kasama ang buong family at si Karla. Nagpunta kaming Calereuga. Buffet Lunch sa Josephine’s at naghanap ng houses na puwedeng pag-stayan overnight para sa wedding niya.
Ang araw na nagfile ng candidacy si PGMA para sa 2nd District ng Pampanga. Umatras si Randy David sa labang ito ngunit a few months before, sinabi niyang kakalabanin niya si PGMA. Si Adonis Simpao, isang arkitekto, ang sinuportahan ng LP upang maging katunggali ni PGMA sa puwesto.
Goodbyes of 2009
Sinasabi ng karamihan na ang 2009 ay taon na kung kailan maraming sikat na personalidad ang pumanaw. Ilang lamang dito sina: Patrick Swayze, Francis M., Farah Fawcett, Natasha Richardson, Michael Jackson, Edward Kennedy, Alecks Pabico, Odette Alcantara, Johnny Delgado, Yaya Luring, Stephen Gately, Walter Cronkite, at Cory Aquino.
Samantala, marami rin ang namatay na Pilipino dala ng bagyong Ondoy at Pepeng, at mga mamamahayag sa Maguindanao Massacre.
Ngunit bukod dito, marami ring pamamaalam ang naganap ngaong 2009.
Ang mga batchmates ko sa Avellana na sina Jomel, Iza, Rosanne, at Yna ay may kanya-kanya ng larangang tinatahak ngayon. Ako na lang ang natira sa mga kasabayan ko sa office.
Taong 2009 din nang iwanan kami ng kapatid ng aking lola sa mother side, si Lola Thelma
Sa pagkakalipat ni Bishop Soc Villegas bilang Archbishop ng Lingayen-Dagupan iniwan na rin niya ang lalawigan ng Bataan, na ayon nga sa kanya, ay lupain ng mga Bayani at Banal. Matindi ang pagmamahal ng mga Bataeños sa naturang Obispo
Ito rin ang taong iniwan ko ang aking comfort zone – ang 8-to-5 job na trabaho sa isang advertising at PR company upang yakapin ang para sa aki’y mas malaking hamon – ang GBF China Scholarship Program. At alam kong ang buong GBF experience ay malaki ang maitutulong sa aking future plans. Para sa akin, hindi lamang ito pagpunta sa Shanghai at pagtupad ng I-Care. Alam kong mas may malalim Siyang dahilan kung bakit niya ako inilagay rito.
Sa taong ito, nabigo ang kaibigan kong si Prince sa kanyang “Princess” kasabay nito’y nag-alisan na rin sa Canon ang kanyang mga kaibigan sa office na tinatawag niyang Chinese community dahil lahat sila’y pawang mga Chinese.
Nagpaalam na rin ang aking nu pengyou na si Karla sa Ateneo noong Marso ngunit niyakap naman niya ang mundo ng law school sa UP Diliman. Nagpaalam na rin ang aking younger sister na si Khrisy sa government work. Ngayong buwang ito, ay sisimulan na niya ang kanyang pag-aaral ng fashion sa School of Fashion and the Arts o SOFA.
Ito rin ang taong ang college friend ko na si Chelly ay nagpaalam na sa “single since birth” tag dahil noong September 8, naging sila na ni Icy.
Ito rin ang taong wala ako sa Pilipinas sa panahon ng Holy Week. First time ito dahil mula ng aking pagkabata tatlong event ang siguradong nasa Bataan ako: Holy Week, Undas at Christmas Break. Isa ring family gathering sa mother side ang Holy Week para sa amin.
At ngayong taong ito, masasabi kong “over” na talaga ako sa college at sa lahat ng mga alaala at taong nakapaloob roon. Oo, matagal siya kasi may separation anxiety/attachment issues ako. Haha! Hindi ko naman iyon basta lang kalilimutan dahil malaking bahagi ng aking pagkatao ay utang ko sa Ateneo at Matanglawin. Oo, masaya ang college student. Masaya ang maging bahagi ng Matanglawin ngunit kailangan kong harapin ang mas malalaking hamong nakalaan akin sa real world. Sabi nga, “in the greater scheme of things”.
Masasabi kong malaking dahilan ang GBF experience ko kaya ako nakalimot kaagad. My classmates, my teachers - the whole experience made me feel like a college student ulit at the same time reminding me that it’s time to move on and embrace a new beginning.
- Sa huling mga araw ng taong 2009 ay nagdesisyon na rin akong magpalit ng phone na sa tingin ko’y long overdue na. Haha! Oo, puro tuklap na ang cover ng aking phone pero well, gusto ko pa rin ito dahil old but reliable ito.Welcome Samsung Omnia!
No comments:
Post a Comment